Andito na naman ako. Sa punto na parang blangko. Parang tuldok. Tinatapos ang sense ng lahat-lahat ng mga salita, pero wala namang pinatutunguhan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi ko o kung bakit ako nakatayo ngayon sa harapan ninyo. Pero sige, kwento lang ng kwento.
Alas-nuwebe na ng umaga at hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako ng mga bagay na sasabihin kahit na alam kong wala namang kabuluhan. Parang life, di ba? Tuluy-tuloy lang. Minsan, may kabuluhan; minsan, wala.
Sa totoo lang meron akong na nais sabihin sa inyo. Ngunit dahil sa kaba nakalimutan ko, pipilitin kong alalahahin at subukang pagandahin kasi gusto kong magpa-impress sa inyo na marami akong alam na ideya at kaya kong iparating iyon sa paraan na maiiintindihan ng lahat. Kapag naalala ko na syemore matutuwa ako, dahil mapapatunayan ko na isa ako sa pinakamahusay at masasabi kong may kuwenta pala ang mga natutunan ko sa Filipino.
‘Tapos, malulungkot ako uli. Kasi, naaalala ko ang nagging buhay ko noong high school. Kasi, bukod sa nag-aaral ako sa kolehiyo nagtatrabaho na ako. First priority ko na ang pera, di katulad noon na first priority ko eh yong lumaya at gumawa ng mga bagay na gusto kong gawin gaya ng paglalakwatsa at pagtambay pero imposible na ngayon. Kailangan ko kasing mag-aral, magtrabaho at mag-ipon ng pera kasi, nakakahiya naman sa nanay ko na nagtrabaho nang ilang taon para mabigyan lang ako ng magandang edukasyon. Ngayon ko lang naintindihan na importante nga talaga ang pera. Sa totoo lang, hindi cliche yong kasabihan na umiikot ang mundo sa pera. Totoo ‘yon. Hindi love ang nagpapaikot ng mundo kundi pera.
Marami ngang tao riyan na halos hindi makakita ng love. Kaya sex na lang sila nang sex. O kaya, nagmumukmok sa isang tabi. Parang ako ngayon nagmumukmok sa harapan nyo, wala na naman akong kakampi malapit na nga rin akong maniwala sa kasabihan na “Love doesn't exist... only the possibilities of love happen.” Oo nga. Lagi ka na lang pinapaasa ng lahat ng tao na meron ngang tao na magmamahal sa 'yo. So maghihintay ka naman nang pagkatagal-tagal. ‘Tapos pag nagsawa ka na, makikita mo na putsa, ang tanda ko na pala, buti pang nagtrabaho na lang ako at nagputa para magkapera at maka-jugjug pa. Kasi, ‘yang love na ‘yan eh icing lang ng cake. Matamis pero nakakasuya at di naman importante. Pampa-decorate lang kung baga. ‘Tapos, lalagyan mo ng kandila sa ibabaw, at ang mga tarantadong mga bisexual friend mo magkakantyawan ng 'Blow! Blow!' ‘tapos, ngingiti ka at matatawa ka kasi napakasaya nila habang ikaw, di mo nga alam kung masaya ka nga talaga. ‘Tapos maaalala mo kung kailan yong huling sandali na masaya ka nga talaga. Hindi mo maalala. Ano’ng ibig sabihin nun? Na hindi ka pa talaga naging masaya sa buhay mo? Imposible naman yata ‘yon. Meron naman siguro, kaso, di mo lang maalala kasi, depressed ka. Bakit kaya mas tumatagal sa isipan ang mga bagay na nagpapasakit ng buhay natin? Bakit kaya mas madaling magalit at ma-depress eh minsan, mind over matter nga lang naman ‘yan. You can be happy if you want. You can be horny if you want. Pero siyempre, easier said than done ‘yon.
Kasi, hindi naman madaling magluto ng emotion, eh. ‘Yang galit at tuwa ay di naman minsan napipilit na maramdaman. Kusang dumarating. Parang love. Daw. ‘Tapos, matatawa ka na lang kasi, napakawalang-kuwenta rin n’ong cliche na yun. Naghihintay ka sa wala. Parang itong sinasabi ko. Naghihintay ka nang matagal kung ano ba talaga ang point ko pero alam mo naman mula sa simula na wala talaga. Pero meron, e. So magtitiyaga ka pa ring makini at papakinggan kung saan ba nagkaroon ng point ang mga sinabi ko. Minsan, gan’on ang buhay talaga, e. Tipong wala ka nang ibang magawa kundi bumalik sa nakaraan at tingnan mo kung nasaan ba talaga ang point sa lahat ng kaguluhan na nangyari. Minsan, wala kang makikitang sense. Minsan, naman meron at mabibigla ka kung bakit hindi mo nakita ‘yon dati pa. Kasi masyado kang abala sa paghahanap ng punto. ‘Eto ang punto.
Diba sa umpisa pa lamang ng talumpati ko sinabi ko na ang salitang TULDOK at iyon ang aking punto.
Sabi nga ng tatay ko, “Kung ahas lang ‘yan kanina ka ps natuklaw.” Pero mali din siya, e. Pa’no kung di naman poisonous yong ahas ‘tsaka bungi rin sya, e di hindi niya ako natuklaw. Di naman lahat ng ahas, nanunuklaw, di ba? Pero di ko rin alam kasi, wala naman akong interes sa ahas. Although marami na rin ang nag-ahas sa akin. Mga tao sila. Minsan nga, parang sampal pa sa mga ahas ‘yon na tinatawag natin ang mga mapaglinlang na tao na mga “ahas”.
Pero siyempre, dahil sabi nga ng mga Katoliko na ang tao ang hari ng buong sanlibutan. Tapos na ang Middle Ages, so babay na, Katolisismo; tapos na rin ang Renaissance, so hindi na hari ang tao ng sanlibutan. At pinatay na rin ng mga existentialist ang Diyos. Kaya ang buhay ng tao ay isang malaking blangko. Isang puwang na wala naman talagang laman kundi isang tuldok. At ang tuldok na yun ay ‘eto -->. (na nagsasabi na everything is a complete sentence because it expresses a thought and has a period). Tama nga. Nasa era o period tayo ng walang hanggan at paulit-ulit na tuldok...